Monday, February 20, 2012

Maligayang Araw ng mga Hypertensive

MedTech days! Post made 2011 :))

It's a rainy morning. I went to school ng kasabay si Papa sa jeep. Parehas kaming naka-jacket at umiidlip pa sa jeep. The weather is really conducive for sleeping talaga. I think it's gonna be a calm and peaceful day for me.


BUT. BIG BUT.

First period: Sir Amatorio did not continue his discussion because of those who kept answering the pending exercises in English. When he saw one of our classmates get her notebook and pen, Sir said, "No, don't bother. I won't be discussing anymore." WHEW. Nandilat ang mata ko eh. Hmmm, I don't want to sound like a killjoy. Pero sa hirap ng lesson, ANG DAMING NASAYANG NA ORAS na sana nagdiscuss na lang si Sir. Mapapa-"So help me, God" ka na lang ulit sa sobrang panghihinayang. :))))

After our English subject, we took our break at Ate Racquel's food stall. Dun kami lagi kumakain. Medyo tahimik pa nun kasi umaga pa lang. Clau and Bien were talking. Di ko sila marinig masyado kaya lumapit ako. Pinakita ni Clau yung wallpaper niya. (Kung anuman ang wallpaper ni Clau, amin na yun! :>) Then she showed us another picture of someone sooooo cute. And then sabi ko, "AAAAAAAAAAY! Ang cuuuuuuuute!" then Clau answered back, then Bien, blah blah, so in short, we really did make noise in a very bungisngis way.


Then may tinderang lumitaw from another food stall. She said,


"Hoy hoy hoy! Ang iingay ninyo! 'Di niyo ba alam, sa taas nito nakatira ang may-ari ng Perpetual?! Paano kapag nadamay kami sa ingay ninyo at paalisin kami sa pwesto namin?!"


Hay, natulala talaga kami, si Clau lang ang nakapagsorry tas mahina pa. Tulala kami pero deep inside, nainis kami kasi sobra sobra yung nasabi samin. But as respect, di na kami sumagot pa.



At eto ang nakakatawang part.


Magkakasabay kami ni Denise at Aia sa jeep. Parehas kami ng route. Isang bayan at ilang barangay lang ang dadaanan namin ni Denise (we live in the same subdivision) pero si Aia, tatawid pa ata ng tatlo o apat na bayan.

Nung magbabayad na kami, nagbigay ako ng 20, tas binigay sakin ni Denise yung sukli kong 10. 10 lang kasi ang pamasahe ko. Parehas kami ng binabayad kasi parehas nga kami ng subdivision diba? :)) Si Aia naman, 20 ang pamasahe. So 40 ang inabot ni Aia sa driver.


Sabi ni Aia, "Bayad po, isang Mamatid po tsaka dalawang Golden. Studyante po lahat yan."


Sabi ni driver, "Hoy, BAKIT KULANG KAYO? DALAWANG PISO?"


Sabi ko, "Bakit ho?"


Sabi ulit ni Kuya, "Onse na binabayad kapag Golden! Di niyo ba alam yon?!"


Sabi ko, "E kuya, sampu lang binabayad namin eh."


Sabi ni Kuya, "Ay hindi! Onse!"



"SIGE PO SIGE PO. IBABALIK NA PO NAMIN YUNG DALAWANG PISO OH, ETO NA PO." Sabi ko. Kalmado pa ko nyan, excuse me. :))))


Humirit pa si Kuya! Sabi, "Yun naman pala eh! Kung di pa sina----"


"EEEHHHH ETO NA NGA PO KUYA IBABAYAD NA YUNG DALAWANG PISO."




HAHAHAY! Nakakatawa na lang eh. Pero sa totoo lang nakakainis. Nagpakilala si Manong driver ng ugali niya nang dahil lang sa dalawang piso?! HE CAN ASK POLITELY.


"Kulang po kayo ng dalawang piso, onse na po ang Golden," yung ganito ba. Baka makonsensya pa ako na ibalik yung kulang ko. It was never our intention because ang tagal tagal na naming nagbabayad ng 10 pesos, and all this time, KULANG PALA KAMI NG PISO? Hahahaha.



Hay, I hope tomorrow will be a happy day for me and for all of us. Sana hindi na maulan at MAAKSYON at puno ng ALTAPRESYON! :))))))))

No comments: