Saturday, May 25, 2013

A Tribute To HB. :D

This post was made year 2011. I reposted this because of Clau's demand. Hahaha. Ganyan talaga pag reminiscing. :))


Siguro naman nakwento ko na sa inyo kung pano ako napapunta sa medtech. :) at first, di ko talaga gaanong kagusto ito. I just thought about my mom kaya yun ang nagmotivate sakin dito. She was asking me before kami mag-enroll kung magbabago pa ko ng course, but I said no kasi kahit tinatanung nya yun, I know she'd be more comfortable kapag ginawa ko yun. :)


Anyway, di naman talaga to ang usapan. HAHAHA!


Ngayon, I really find studying enjoyable dahil ngayong college, I feel like everything is in great balance. :) Naks! Porgib my engglis because I'm not magaling. HAHAHA. I am really lucky kasi di naging mahirap sa akin ang paghahanap ng friends ngayong college. Nagbago kasi ako ngayong college. Kung nung high school, sobrang friendly ako, ngayon, tahimik at di namamansin unless ako ang kakausapin. Hahaha!

Lemme introduce to you my girlfriends. HUNGRY BADJAO BIRDS. Improvised ang name ng group namin because of some reasons. HAHA. Hungry Birds, dahil sa sikat na video game na Angry Birds, at Badjao comes from our tradition: ang makishare sa pagkain ng isa't isa :)


Teka, pano ba? By height? Unahin natin sa pinakamaliit. ^^ :))



Jastine Jae Cruz. Jae for short. Siya ang pinakamaliit samin pero ang boses, abot hanggang langit! Parang ung powers lang ni Bubbles, kapag nasigaw, nahihilo si Mojo Jojo. HAHA. She is the very definition of the quote, "Small but terrible". Despite of her strong voice, she has a soft heart for her friends. Kapag tumatawid ako, naaalala ko siya kasi lagi kong inaalalayan ang kasama ko kapag tumatawid. Being the tallest in the group, I take my responsibility as the one who'll make alalay the smallest one. HAHAHA! Ka-team ko din to sa basketball. Hindi lahat ng players kelangan maging matangkad dahil pwede siyang panlito sa laro at manunungkit ng bola. Weeehee! Kadalasan, inaasar sya na walang ate dahil kaming lahat, meron. Siya yung tipo ng tao na laging mukhang nawawalang batang cute. hahaha! She wears glasses, just like me. Matangos ilong, maputi, MAGANDA! :))



O, pangalawang pinakamaliit! Si Shobe ba? :))

Sheena Marie Batapa. Shobe for short. Sa kanya ako unang naging comfortable sa lahat ng kaklase ko. Nung una, di ko sya tinitingnan at kinakausap nang biglang sya ang naunang makipagusap. Naalala ko nung sinabi niya na Batapa ang apelyido nya. Sabi nya, bata pa daw kasi siya. Hahaha. Lahat nga ata ng teachers namin kapag tinatawag apelyido niya, ganito sinasabi,

"Batapa. Matanda na."

O kaya,

"Batapa. Bata pa."

And it was like, paulit-ulit naman tayo mga kuya at ate! hahahaha. Sumali si Shobe sa Ms. Medtech, kahit brusko maglakad. :) Singkit, parang laging kakaiyak lang. Cute cheeks. MAGANDA! :))



O susunod!

Docris Braga. Doc for short. Nung first day ko sa college, she's the first one I noticed. Sabi ko sa sarili ko, "Kelangan ba talaga pag college nagme-make up na? O maarte lang talaga to?" because of her red lipstick. I also noticed her kasi among my classmates, siya ang pinaka-friendly. She can get along easily with sooo many. Nung nakilala ko pa siya, I realized that she's waaaay waaay more than just a girl wearing lipstick. For me, siya ang pinakamalambing sa lahat ng mga kaibigan ko sa college. Understanding. Minsan lang talaga malakas ang trip. How can I forget the moment na wagas na wagas siyang nag-gallop habang nakanta ng Louder ni Charice sa labas ng chemlab? hahaha. When I'm with her, there was never a dull moment. Tas kasama pa si Bien at Clau! Maputi, makinis, (i always compliment her very makinis na kutis) at syempre, MAGANDA! :))



Next!


Justine Mae Robinos. Bien for short. She has this very girly name pero kung kilala mo siya, brusko! Naaalala ko nung nakina Ate Lei kami, napapunta ung bola ni Donat sa bubong ng canteen ni Ate Lei. Kung san san kami umakyat, sa owner jeep, upuan, garden, gate, at kung ano pa. Biglang sabi ni Docris, "Ate Max, antayin na lang natin si Bien. Kayang umakyat nun dyan. Lalaki yun e." HAHAHA. Parehas sila ni Docris na suuuuper friendly. Kahit boyish siya, siya ang pinakaseksi saming lahat. Ang liit ng tiyan e. Yung tiyan ko siguro, apo sa tuhod lang ung tiyan ni Bien. Hahaha. Sila ni Clau ang laging malakas ang trip. Pinapanuod ko sila mag-asaran and I end up laughing out loud na para akong nanunuod ng Bubble Gang. :D Ngayon ngayon ko lang nakakausap si Bien ng super. Nung una kasi, nagkakapaan pa kami. At least ngayon okay na kami. And I'm happy that we're getting closer. :) Kayumanggi, slightly matangkad, may dimple (isa lang? hahaha), at syempre, MAGANDA! :))


And last but definitely not the least!

Claudine JC Miranda. Clau for short. Kung starbucks ang usapan, siya ang grande! She's the one I always hug kasi grabe, kakaibang comfort ang nararamdaman ko kasi ang fluffy niya. Naalala ko nung una kong araw sa school. It was her birthday. At nagpapalibre siya sakin. Inisip ko nun, "hala, how would I react, e di ko pa siya kilala?" hahahhaa. yun pala talagang palabiro lang siya. :D Mahilig siya sa chuckie. As in! Hahahaha. Natatawa din ako kapag nilalapit niya yung mukha niya sakin. Gusto niya daw i-kiss ang lips ko. OH NOOO. Ang ginagawa ko, tinatakpan ko ng kamay ko ung labi ko tas ikikiss niya yung kamay ko. HAHAHA. I love her baby-ish voice pero kapag tinakot mo na siya, mapapaluha na siya. matatakutin sya sa multo, at sa ipis. Ako din naman takot sa ipis. :)))))))) Mukha siyang bata, batang mataba, at syempre, MATABA! :)) Ay MAGANDA pala. :D


So, there. :) They are the reason why I keep on laughing everyday. I chose to be with them dahil alam kong kahit seryosohang pagaaral ang kailangan sa Medtech, they would always be happy and fun to be with. Makakalimot ng problema at worries kapag kasama sila. Thank you guys! I hope our friendship would last longer than we all expect.


:) :"> :*

No comments: